Panunuring Pampanitikan: Dekada ‘70

CLARENZ JAMIE AVERIA
4 min readMar 7, 2021

--

Ang nobela na Dekada ’70 ay sumisimbolo ng mga problemang nararanasan ng mga mamayang Pilipino unang una na ang pamilyang Bartolome. Lahat ng mga pangyayaring ito ay naranasan noong 1970 na sumasailalim sa panahon ng batas militar sa pamumuno ni Ferdinand Marcos.

Si Lualhati Bautista ay isang manunulat at aktibista. Ipinanganak noong ika-2 ng Disyembre 1945 sa Tondo, Manila. Nag-aral siya ng journalism sa Lyceum of the Philippines ngunit hindi ito nakapagtapos ng pagaaral dito. Nag simula si Lualhati mag sulat noong labing anim na taong gulang pa lamang siya at dahil ito sa impluwensya na kanyang mga magulang na mga mahilig din magsulat. Ang kanyang mga tanyag na gawa ay ang “Bata, Bata, Pa’no Ko Ginawa?”, “Dekada ‘70”, at “‘GAPÔ”. Isinulat niya ang Dekada ’70 dahil mismo sa sarili niyang karanasan at nahahaluan na ng karanasan ng mga ibang tao.. Nasasalamin niya ang kanyang sarili sa karakter na si Amanda Bartolome, ang hindi pagkakapantay pantay na trato sa kababaihan.

Madalas makikita ang mga kaganapan sa loob ng pamamahay ng pamilya Bartolome. Ang pamilyang Bartolome ay binubuo ng pitong tao. Si Julian Bartolome ang kanilang ama, Amanda Bartolome, ang kanilang ina, sina Jules, Isagani, Emmanel, Jason at Bingo ang kanilang mga anak.

Si Julian Bartolome ay ang tagapag-hanap buhay sa kanilang pamilya. Hindi niya na aalis ang kaisipan na mas nakakataas ang mga lalaki sa kababaihan kaya’t hindi niya matanggap na gusto ni Amanda makapagtrabaho. Hindi nawawala ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

Si Amanda Bartolome ay isang mapagmahal na ina. Gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak at handa siyang ipaglaban ito kahit anong mangyari. Gusto ni Amanda na makapagtrabaho, gusto nito makamit ang pantay pantay na pagtrato sa mga babae. Naipapakita ni Amanda na mababa ang tingin ng mga tao sa babae sa lipunan. Gusto niya ng pantay ng pagtrato sa kababaihan dahil ang mga babae ay hindi mga “babae lang”.

Si Jules Bartolome, ang panganay na anak nila ay buong pusong mahal ang bansang Pilipinas. Handang lumaban, masaktan, maparusahan para lamang maipaglaban ang sariling paniniwala at karapatan ng mga tao. Sumama ito sa isang kilusan na kontra sa pamahalaan. Dumating ang panahon na siya ay naparusahan at nalagay sa presinto. Kahit sa pangayayari na ito, hindi tumigil si Jules na lumaban pa rin kahit anong sakit ang naranasan. Nairerepresenta ng karakter na ito ang mga taong labag ang kalooban sa mga gawain ng pamahalaan. Ipinapaglaban ang karapatan ng mga mamamayan sa bansa at ang kanilang mga kaisipan.

Si Emmanuel Bartolome ay isang manunulat at nagkakaisang manunulat sa kanilang pamilya. Sa pamamaraan na ito, naibabahagi niya ang kanyang kaisipan ukol sa nangyayari sa lipunan. Maihahalintulad ito sa kanyang kapatid na si Jules pero sa pamamaraan ng pagsusulat. Ang karakter ni Emmanuel ay maaaring maihalintulad sa mga tao na nagsusulat ng mga storya tungkol sa mga nangyayari sa lipunan. Ninanais na mamulat ang mga mata ng mamamayan sa pamaraan ng pagsusulat.

Si Isagani Bartolome ang pangalawang anak nina Amanda at Julian. Ito ay nag asawa ng maaga dahil siya ay naka-buntis ng babae na si Evelyn kaya’t pinakasalan niya ito. Sumali si Isagani sa US Navy. Ayaw ito ng kanyang mga kapatid pero tinuloy niya pa din ang kanyang panagarap.

Si Jason Bartolome ang pang-apat sa magkakapatid. Isa siya sa mga pinroblema ni Amanda sa takot na baka may nangyari sa kanyang masama dahil laging gabi na ito nakakauwi. Siya ay namatay sa nobela.

Si Bingo ay ang pinaka bata sa magkakapatid, bata pa lamang siya ng makita niya ang nangyayari sa lipunan.

Ang isa sa teoryang maihahalintulad sa nobela na Dekada ’70 ay ang Teoryang Eksistensyalismo. Ang Teoryang Eksistensyalismo ay ang isang indibidwal ay may kalayaang mag desisyon para sa kanyang sarili. Ipinakita ang teoryang ito sa nobela sa pagpili ni Jules na sumapi sa kilusan laban sa pamahalaan. Tanggap niya ano man ang kanyang kahihinatnan. Nang dumating ang panahon na siya ay pinarusahan, hindi ito naging rason para siya ay tumigil ngunit ipinagpatuloy niya pa din at pinanindigan ang kanyang desisyon.

Ang isa pa sa teorya na maihahalintulad sa nobelang Dekada ’70 ay ang Teoryang Feminismo. Ang teoryang feminismo ay tungkol sa pagpapakita ng kalakasan ng kababaihan at maiangat sa lipunan ang pag tingin sa mga babae. Sa Dekada ’70, ipinapakita dito ang kagustuhan ni Amanda na makapag-trabaho ngunit ayaw ito ni Julian. Nagalit ito at sinabing hindi ito magtatrabaho hangga’t siya ang lalaki sakanilang dalawa. Sa dulo ng pelikula, ipinaglaban na ni Amanda ang kanyang sarili, inilabas ang kanyang saloobin. Sinabing gusto na niya hiwalayan si Julian. Sinabi niya na buong buhay niya ay ang pagiisip lang ni Julian ay kung tama ba o mali ang nagagawa niya ayon sa kanyang patuntunan at ayaw na ni Amanda ng ganitong buhay.

Ang nobelang Dekada ’70 ay nakakapagpamulat sa mamamayang Pilipino. Angkop itong basahin ng mga mag-aaral sa antas YS 10 o 11 dahil may mga aral na mapupulot dito. Ito rin ay para magkaroon ng kaalaman kung ano ba ang nangyayari sa lipunan noong Dekada ’70 sa ilalim ng batas militar. Sana ay mas napagtuunan ng pansin ang storya ni Jason at ang detalye ng kung ano ang nangyari sakanya ng mga oras bago ang kanyang kamatayan. Kung ako ay magpapanukala ng batas, nais kong mag panakula ng batas na magbibigay ng pantay na karapatan sa ama at ina sa pagpapalaki sakanilang mga anak. Dahil sa kasalukuyan, nakasanayan na ng mga Pilipino na ang desisyon ng ama ang nasusunod maliban na lang kung ang problema ay pahihimasukan ng korte.

References:

https://www.goodreads.com/author/show/673490.Lualhati_Bautista

https://youtu.be/G040z3MHf2M

https://youtu.be/emUBChEZzeQ

--

--